Thursday, July 5, 2007

GOCC (Filipino)

REPUBLIKA NG PILIPINAS
KAPULUNGAN NG MGA KINATAWAN
Quezon City, Manila

IKA-14 NA KONGRESO
UNANG REGULAR NA SESYON

RESOLUSYON BLG____


PANUKALA NI KGG. EDUARDO NONATO N. JOSON
________________________________________________________________________

RESOLUSYON
INAATASAN ANG KOMITI NG PAGGAWA AT PAMAMASUKAN NA MAGSAGAWA NG PAGTATANONG BILANG TULONG SA PAGBABATAS, SA MAGKAHAMBING NA KALAGAYAN SA TRABAHO NG MGA EMPLEYADO SA PAMBAYAN AT PRIBADONG SEKTOR.

Sapagkat, pinagtitibay ng Estado na ang paggawa ay isang nangungunang panlipunan at pang-ekonomiyang pwersa at sumusumpa ito na ipagtatanggol ang mga karapatan ng mga manggawa at itataguyod and kanilang kapakanan sa ilalim ng Artikulo II, seks.18 ng 1987 Konstitusyon;

Sapagkat, ang Estado ay nagpahayag ng mga pamantayan sa paggawa para matiyak ang buong proteksyon ng mga karapatan ng mga manggagawa;

Sapagkat, ang mga ganitong pinakamababang pamantayan ay dapat ding sumasaklaw sa pambayang sektor sang-ayon sa sinumpaang patakaran ng Estado na ipagtatanggol ang mga karapatan at kapakanan ng lahat ng mga manggagawa na idinambana sa ating Konstitusyon;

Sapagkat, mayroong mga report na ang ibang employers o maypatrabaho sa pambayan at pribadong sektor ay pinababayaan o kinakaligtaan na tumupad sa mga pinakasaligan na mga pamantayan sa paggawa gaya ng, bukod pa sa iba, sa pinakamababang pasahod o minimum wage, upa sa trabahong panggabi o night shift differential, upa sa sobrang oras ng trabaho o overtime pay at upa sa pistang pangilin o holiday pay;

Dahil dito, pinagtitibay at ngayon dito pinagtibay, na ang Komiti ng Paggawa at Pamamasukan, ay magsasagawa ng isang pagtatanong bilang tulong sa pagbabatas tungkol sa mga nakagawian o ginagawa sa paggawa at ang magkahambing na kalagayan sa trabaho ng mga empleyado sa pambayan at pribadong sektor para mamatyagan ang pagsunod sa mga pinakamababang pamantayan ayon sa ating Batas Paggawa o Labor Code at sa ilalim ng ating Konstitusyon.



EDUARDO NONATO N. JOSON
Kinatawan
Unang Ditrito ng Nueva Ecija

No comments: