Republika Ng Pilipinas
KAPULUNGAN NG MGA KINATAWAN
Quezon City, Manila
IKA-14 NA KONGRESO
UNANG REGULAR NA SESYON
PANUKALANG-BATAS BLG______
______________________________________________________________________
Panukala ni Kgg. Eduardo Nonato N. Joson
______________________________________________________________________
PALIWANAG
Nais ng mungkahing batas na itong maglaan ng Limang Milyong Piso (Php5,000,000.00) para sa konstruksiyon ng mga tourism centers sa Unang Distrito ng Nueva Ecija, partikular sa mga bayan ng Aliaga, Guimba, Licab, Cuyapo, Nampicuan, Sto. Domingo, Zaragosa, Quezon at Talavera.
Nauunawaan ng awtor na ang paglahok ng ng mamamayan sa mga produktibong gawain tulad ng isports at gawaing sosyo-kultural ay malaki ang maitutulong sa kanilang kasiyahan at pagtugon sa mga problema tulad ng adiksiyon sa droga at menor na krimen. Nagtataguyod ang gayong mga gawain ng kalahatang kalusugan, pisikal at mental, nagpapatimo ng halagahang moral at panlipunan, bukod sa naglalaan ng pagkakataon para mahikayat ang pagkamalikhain at diwa ng kooperasyon ng tao.
Ang paglalaan ng mga tourism centers ay karapat-dapat dahil ang ibubunga ng mga gawaing ito ay lagpas sa halagang pansalapi lamang. Sa dulo, makikinabang ang bansa natin sa mga proyektong nagtataguyod ng kasiyahan at pagkaproduktibo ng mga mamamayan sa pamamagitan ng paghikayat sa kanilang lumahok sa mga gawaing publiko at sibil.
Ang pagpasa ng panukalang batas na ito ay hinihiling.
EDUARDO NONATO N. JOSON
Republika Ng Pilipinas
KAPULUNGAN NG MGA KINATAWAN
Quezon City, Manila
IKA-14 NA KONGRESO
UNANG REGULAR NA SESYON
PANUKALANG-BATAS BLG______
______________________________________________________________________
Panukala ni Kgg. Eduardo Nonato N. Joson
______________________________________________________________________
ISANG BATAS NA NAGLALAAN NG KONSTRUKSIYON NG MGA TOURISM CENTERS SA UNANG DISTRITO NG NUEVA ECIJA AT PAGLALAAN NG PONDO PARA DITO
Hayaang pagpasiyahan ng Senado at ng Mababang Kapulungan ng Pilipinas sa Kongreso na nagtitipon:
SEKSIYON 1. Ang konstruksiyon ng mga touirsm centers sa Unang Distrito ng Nueva Ecija, partikular sa mga bayan ng Aliaga, Guimba, Licab, Cuyapo, Nampicuan, Sto. Domingo, Zaragosa, Quezon at Talavera ay isasagawa ng Department of Tourism sa koordinasyon ng mga kinauukulang yunit ng lokal na gobyerno.
SEKSIYON 2. Ang halagang Limang Milyong Piso (Php5,000,000.00) ay inilalaan ngayon para sa layuning ito, at ikinakarga sa pondo ng Department of Tourism.
SEKSIYON 3. Pagkabisa – Ang batas na ito ay magkakabisa labinlimang (15) araw pagkatapos na ito ay malathala sa dalawa (2) man lamang na pahayagan ng malawakang sirkulasyon.
Pinagtibay,
Wednesday, September 5, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment