REPUBLIKA NG PILIPINAS
KAPULUNGAN NG MGA KINATAWAN
Quezon City, Manila
IKA-14 NA KONGRESO
UNANG REGULAR NA SESYON
RESOLUSYON BLG____
PANUKALA NI KGG. EDUARDO NONATO N. JOSON
________________________________________________________________________
RESOLUSYON
IPINAPAHIWATIG ANG PANANAW NG KONGRESO NG REPUBLIKA NG PILIPINAS NA HIKAYATIN SI PANGULONG GLORIA MACAPAGAL ARROYO AT PANGALAWANG PANGULO NOLI DE CASTRO NA MAGBITIW SA TUNGKULIN NG SA GAYON MAGKAROON NG SPECIAL O TANGING ELEKSYON PARA SA PANGULO AT PANGALAWANG PANGULO
SAPAGKAT, dahil sa kontrobersya ng “Hello Garci tape”, ang pagka lehitimo ng administrasyong Arroyo ay naparupok, tinatanong, napag-alinlanganan at hinamon sa halos lahat ng maaaring pagdalang for a o lugar;
SAPAGKAT, ang mga masamang epekto ng kontrobersya na dulot ng “Hello Garci tape” sa katatagang political, proseso ng halalan at sa ating lipunan sa pangkalahatan, ay patuloy na bumabagabag sa administrasyong Arroyo pati na sa bansa at mga botante sa particular;
SAPAGKAT, dahil sa iba pang negatibo at dagdag pang pangyayari gaya ng mga alegasyon sa paglabag sa karapatang pantao, korapsyon at pag-usig politikal ay umubos sa kredibilidad, pagtitiwala at kompiyansa ng bayan sa administrasyong Arroyo;
SAPAGKAT, ang 2007 eleksyon, lalo na ng labanan sa senador at resulta nito, ay maituturing na isang referendum o boto nhg pagtitiwala/ o boto ng walang pagtitiwala sa pagganap ng tungkulin, pagtitiwala at kredibilidad ng administrasyong Arroyo;
SAPAGKAT, malinaw na naipakita, sa resulta ng labanan sa senador, ang boses o kapasiyahan ng taong-bayan na pumanig sa oposisyon o sa ibang salita, umiral ang boto ng walang pagtitiwala sa administrasyong Arroyo;
DAHIL DITO, pinagtitibay at sa ngayon ay pinagtibay, na ipahiwatig ang pananaw ng Kongreso ng Republika ng Pilipinas, na hikayating magbitiw sa tungkulin sa Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at Pangalawang Pangulo Noli De Castro at pagkatapos noon ay magsagawa ng tanging halalan para sa Pangulo at Pangalawang Pangulo sang-ayon sa ating saligang batas.
EDUARDO NONATO N. JOSON
Kinatawan
Unang Ditrito ng Nueva Ecija
Monday, September 17, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment