REPUBLIKA NG PILIPINAS
KAPULUNGAN NG MGA KINATAWAN
Quezon City, Manila
IKA-14 NA KONGRESO
UNANG REGULAR NA SESYON
PANUKALANG-BATAS BLG______
____________________________________________________________________
Panukala ni Kgg. Eduardo Nonato N. Joson
_____________________________________________________________________
ISANG PANUKALANG-BATAS NA NAGDIDISMIS SA LAHAT NG DEMANDA O IMPORMASYONG NAGBIBINTANG NG KRIMEN O PAGLABAG NA POLITIKAL KAPAG NANALO SA ELEKSIYON SA PAMBANSANG POSISYON AT PARA SA IBA PANG LAYUNIN.
SEKSIYON 1.Title - - Ang batas na ito ay makikilala bilang “BATAS SA EKSONERASYON NG SOBERANO”.
SEKSIYON 2. Kahulugan ng mga salita o termino
a. Mga demanda o impormasyon – tumutukoy sa mga kasong naisampa laban sa sinuman at inaantabayanan sa alinmang korte, ahensiyang administratibo, militar na lupon o tribunal.
b. Krimen o paglabag na politikal - tumutukoy sa krimen ng rebelyon, kudeta, sedisyon at pagtataksil ayon sa depinisyon at karampatang parusa sa Nirebisang Kodigo Penal (Revised Penal Code), Mga Artikulo 134 hanggang 142 na mga krimen laban sa kaayusang pampubliko, laban sa pag-iral ng Estado, sa awtoridad ng Gobyerno at kalahatang kapayapaan pampubliko.
c. Eleksiyon – ang pagkatalaga sa isang posisyon ng isang karampatang kandidatong nanalo sa isang pambansang eleksiyon na isinagawa para sa layuning ito
d. Pambansang posisyon – tumutukoy sa Kongreso ng Republika ng Pilipinas, ang Opisina ng Bise-presidente at Opisina ng Presidente.
e. Eksonerasyon ng Soberano – tumutukoy sa kapangyarihan ng soberano na natamo sa eleksiyon na idismis ang lahat ng demanda o impormasyon laban sa sinumang akusado ng krimen o paglabag na politikal.
SEKSIYON 3. Eksonerasyon ng Soberano. Ang lahat ng demanda o impormasyong isinampa laban sa sinuman dahil sa pagggawa ng alinmang krimen o paglabag na politikal ay ididismis kapag naihalal ang taong ito sa pambansang posisyon tulad ng tinuran dito.
SEKSIYON 4. Pagsasakatuparang mga alituntunin at regulasyon – Ang Kagawaran ng Hustisya ang magtataguyod ng tuntunin at regulasyon para sa mabisang pagsasakatuparan ng batas na ito sa loob ng animnapung (60) araw mula sa pagpapatibay nito.
SEKSIYON 5. Pagbubukod Sugnay – Kung anumang bahagi, seksyon o probisyon ng batas na ito ang ipalagay na walang-bisa, o di-naaayon sa saligang batas, ang ibang probisyon na hindi naaapektuhan dahil dito ay mananatiling may bisa at epekto.
SEKSIYON 6. Pagpapawalang bisang sugnay – Lahat ng batas, ipinag-atas, utos, alituntunin at regulasyon at iba pang itinadhana na salungat sa mga probisyon ng batas na ito ay pinapawalang bisa, sinususugan o binabago alinsunod dito.
SEKSIYON 7. Pagkabisa – Ang batas na ito ay magkakabisa labinlimang (15) araw pagkatapos na ito ay malathala sa dalawa (2) man lamang na pahayagan ng malawakang sirkulasyon.
Pinagtibay,
REPUBLIKA NG PILIPINAS
KAPULUNGAN NG MGA KINATAWAN
Quezon City, Manila
IKA-14 NA KONGRESO
UNANG REGULAR NA SESYON
PANUKALANG-BATAS BLG______
____________________________________________________________________
Panukala ni Kgg. Eduardo Nonato N. Joson
_____________________________________________________________________
PALIWANAG
Kinikilala ng Estado na nakatahan ang Soberanya sa bayang Filipino at nagmumula sa kanila ang lahat ng awtoridad ng gobyerno (Artikulo II, Seksiyon 1 ng Konstitusyon ng Pilipinas).
Layunin ng mungkahing batas na ito ang eksonerasyon at/o pagkadismis ng mga naisampang kaso laban sa isang tao dahil sa pagkagawa ng krimen o paglabag na politikal, sa oras na maihalal sila sa pambansang posisyon. Tulad ng nakasaad sa probisyon ng Konstitusyon, nakatahan sa taumbayan ang soberanya. Kaya ang pagkapanalo sa puwesto ng isang kandidato dahil sa eleksiyon, sa kabila ng nakaantabay na kaso ng paglabag na politikal laban sa kaayusang pampubliko, ay nangangahulugan ng kagustuhan ng taumbayan na maidismis ang kaso laban sa lingkod bayan. Katumbas ang aksiyon ng publiko sa pagpapatawad o pagsang-ayon sa (mga) paglabag o (mga) krimeng politikal laban sa kaayusang pampubliko. Umaayon din ang pagkadismis ng kaso sa pagtatalaga ng taumbayan ng kapangyarihan sa pamamagitan ng balota. Makatwiran lamang na maigawad din ang karapatan at tungkuling maglingkod sa bayan.
Ang mga krimen laban sa kaayusang pampubliko, tulad ng rebelyon, kudeta, sedisyon at pagtataksil ay pawang nasa ibang kategorya mula sa karaniwang paglabag tulad ng pagpatay, na laban sa buhay ng mga indibidwal. Ang naiibang uriang ibinibigay sa unang kategorya ng krimen laban sa kaayusang pampubliko ay dulot ng politikal na layunin na siyang nagbubunsod sa bawat rebeldeng pagkilos.
Ang pagpapatibay ng panukalang batas na ito ay hinihiling.
EDUARDO NONATO N. JOSON
Tuesday, August 28, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment