REPUBLIKA NG PILIPINAS
KAPULUNGAN NG MGA KINATAWAN
Quezon City, Manila
IKA-14 NA KONGRESO
UNANG REGULAR NA SESYON
RESOLUSYON BLG____
PANUKALA NI KGG. EDUARDO NONATO N. JOSON
_____________________________________________________________________
RESOLUSYON
NA NAG-AATAS SA ANGKOP NA KOMITI NG KAPULUNGAN NA MAGSAGAWA NG PAGTATANONG BILANG TULONG SA PAGBABATAS, SA KALAGAYAN NG DIYALOGO NG MGA PANINIWALANG PANRELIHIYON O INTERFAITH DIALOGUE SA BANSA AT ANG KABUTIHAN NITO SA IBA'T IBANG KOMUNIDAD AT/O DENOMINASYON SA PILIPINAS.
Sapagkat, sa Artikulo III, Seksiyon 5 ng Konstitusyon ng Pilipinas, tinitiyak ng Estado na walang gagawing batas na gumagalang sa isang pagtatatag ng relihiyon, o nagbabawal sa malayang pagpapraktis nito. Tinitiyak din na ang malayang pagpapahayag at pakinabang ng panrelihiyong propesyon at pagsamba, nang walang diskriminasyon o pagkiling, ay palagiang pahihintulutan;
Sapagkat, kinikilala ng Estado na isa tayong bansang mayaman sa magkakaibang komunidad at kultura;
Sapagkat, nagkakaroon ng tunggalian kapag mayroong di-pagkakaunawaan o diskriminasyon dahil sa gayong pagkakaiba ng pagpapahalaga na likas sa kultura, relihiyon, at gawi ng isang partikular na komunidad. Bukod pa dito, ang saloobin ng pagka-ayaw o di-pagtanggap sa mga taong may ibang paniniwala ay hadlang sa ating pagsisikap sa rekonsilyasyon at pagkakaisa;
Sapagkat, may pangangailangan sa tunay na diyalogo upang mahikayat ang integrasyon at asimilasyon ng gayong magkakaibang interes at kultura para sa pagtataguyod ng katiwasayan tungo sa kapayapaan, kaunlaran, katarungan at karangalan sa lahat ng Filipino;
Dahil dito, pinagtitibay at ngayon dito pinagtibay, na ang angkop na Komite ng Kapulungan ay magsasagawa ng isang pagtatanong bilang tulong sa pagbabatas, sa kalagayan ng diyalogo ng mga paniniwalang panrelihiyon o Interfaith Dialogue sa bansa at ang paghantong sa pagtatatag ng isang konseho para sa promosyon ng Diyalogo ng mga Paniniwalang Panrelihiyon sa Pilipinas o Interfaith Dialogue.
EDUARDO NONATO N. JOSON
Kinatawan
Unang Ditrito ng Nueva Ecija
Tuesday, August 7, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment